Home NATIONWIDE Ika-apat na oil price hike, asahan sa susunod na linggo

Ika-apat na oil price hike, asahan sa susunod na linggo

290
0

MANILA, Philippines – BAD NEWS sa mga motorista partikular na sa mga drayber ng pampublikong sasakyan dahil asahan na ang muling pagtataas ng presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa talaan, ito na ang ika-apat na linggong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis sa bansa kung saan posibleng tumaas muli ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang P1.00 kada litro, P1.40 naman sa kada litro ng diesel, at P0.80 naman sa kada litro ng kerosina na ibinatay sa apat na araw na kalakaran ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ilan sa mga nasisilip na dahilan ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau sa muling pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan ang pagtataas ng $1 dolyar ng langis bunga ng pagpapataw ng parusa ng Estados Unidos sa kita sa langis ng bansang Iran pati na rin ang pinaigting na pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Nasisilip din ng DOE ang pagpapatigil ng Saudi Aramco at Iraq ng pag-export ng langis sa refinery ng India na pinatawan din ng parusa na European Union.

Inaasahan naman na ipatupad ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes na kadalasang nag-aanunsiyo ang mga lokal na kompanya ng langis ng panibagong paggalaw sa presyo ng langis tuwing araw ng Lunes. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here