Home METRO PDEA nagbabala vs ‘di awtorisadong paggamit ng kanilang uniporme

PDEA nagbabala vs ‘di awtorisadong paggamit ng kanilang uniporme

247
0

BAGUIO CITY – Nagbigay ng babala sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office Cordillera (PDEA-CAR) laban sa hindi awtorisadong pagsusuot ng uniporme ng PDEA o anumang kasuotan na may tatak o opisyal na logo ng ahensya, maging ang pagpapakilalang miyembro ng PDEA nang walang wastong pahintulot.

Inilabas ng PDEA-CAR ang babala matapos arestuhin kaninang umaga ang isang lalaki na nakasuot ng customized na damit na may insignia ng PDEA.

Naglalakad ang naturang lalaki sa Km 4, La Trinidad, Benguet nang mapansin siya ng isang PDEA-CAR agent. Sa isinagawang inisyal na beripikasyon, natuklasang hindi siya kabilang sa opisyal na listahan ng mga tauhan ng PDEA.

Muling iginiit ni Regional Director Derrick Arnold C. Carreon na sinumang gagamit ng awtoridad—may pagpapanggap man o wala—o hindi awtorisadong gawin ito, ay mananagot sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority or Official Duty).

(Rolando S. Gamoso)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here