Home NATIONWIDE 4 biktima ng human trafficking sa Albay nasagip

4 biktima ng human trafficking sa Albay nasagip

261
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang apat na katao, kabilang ang mga menor de edad, at nadakip ang dalawang pinaghihinalaang illegal recruiter sa isang anti-human trafficking operation ngayong linggo.

Ayon kay Police Regional Office-5 (Bicol) spokesperson Lt. Col. Malu Calubaquib nitong Biyernes, Setyembre 5, nagsimula ang operasyon matapos ireport ng isang kaanak na hindi na nakauwi mula sa paaralan ang isa sa mga estudyante.

Nadiskubre ang mga biktima sa loob ng isang van na sakay ng barko mula Masbate City Port dakong tanghali ng Miyerkules at nakatakdang dumaong sa Pio Duran Port bandang alas-5 ng hapon.

Naharang ng mga pulis ang sasakyan bago pa makalabas ng pantalan at naaresto ang mga suspek.

Sa imbestigasyon, lumabas na ang isang suspek na drayber ng van ay nagsabing inutusan lamang siyang sunduin ang mga biktima, habang ang isa pa ay siyang nag-engganyo umano sa mga estudyante gamit ang pekeng trabaho at pangakong mas magandang buhay.

“Authorities are now preparing appropriate charges for violation of anti-trafficking laws and related offenses. Follow-up operations are underway to trace and dismantle the larger network of individuals behind this trafficking attempt,” pahayag ni Calubaquib.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang mga imbestigador sa iba pang ahensya upang matukoy kung may kaugnayan ang mga suspek sa mas malawak na sindikatong target ang mga estudyante at naghahanap ng trabaho.

Pinuri naman ni PRO-5 Regional Director Brig. Gen. Nestor Babagay Jr. ang mabilis na aksyon ng mga pulis at ahensya.

“This rescue is proof that vigilance, timely reporting, and inter-agency cooperation can save lives. We urge the public to be alert, speak up, and immediately report any suspicious activities to the nearest police station,” aniya.

“Together, we can stop trafficking before it even begins.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here