MANILA, Philippines – Arestado ang isang kilalang Street Level Individual na kinilalang si alyas “BJ”, 29 taong gulang, residente ng Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.
Naging matagumpay ang isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement unit ng San Mateo MPS, 3:23 ng madaling araw ng Setyembre 4, 2025 sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal.
Nakuha sa suspek ang apat (4) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 6.53 gramo at tinatayang halagang P44,404.00, isang piraso ng P500.00 (recovered money); isang unit na .38 revolver; dalawang bala; isang piraso ng rifle grenade at plastic case nito; at isang piraso ng P500.00 marked money na ginamit sa operasyon.
Pansamantalang naka-ditene sa San Mateo MPS Custodial Facility ang suspek at kakaharapin ang mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives). Maritess Pumaras