Home NATIONWIDE VP Sara: Guro may mahalagang papel sa paghubog sa kaisipan ng kabataan...

VP Sara: Guro may mahalagang papel sa paghubog sa kaisipan ng kabataan sa ‘fake news’ era

276
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG diin ni Vice President Sara Duterte, araw ng Biyernes ang kahalagahan ng papel ng mga guro para tumulong sa paghubog at pag-develop sa ‘critical thinking’ ng mga estudyante sa gitna ng ‘age of disinformation.’

Sa kanyang mensahe para sa National Teachers’ Month, si VP Sara, dating Kalihim ng Department of Education (DepEd), pinasalamatan ang mga guro para sa paglilingkod nang may hindi natitinag na dedikasyon para sa kinabukasan ng mga kabataang Filipino.

“Nanggagaling sa mga guro ang pundasyon ng kaalaman ng mga kabataan at bahagi kayo sa paghubog ng kritikal na pag-iisip. Mahalaga ito sa panahon ng fake news, misinformation, disinformation at iba pang media at social media content na naglalayong manipulahin ang katotohanan at tama,” ayon kay VP Sara.

“Sana ay mas ihanda natin ang mga kabataan sa landas ng tama at katotohanan,” dagdag na wika nito.

Tinukoy din ni VP Sara ang commitment ng mga guro sa nation-building sa kabila ng mga usapin na tumutugis sa education system gaya ng ‘crowded rooms, limited resources, at heavy workload, bukod sa iba pa.

“Teachers not only shape the future of a nation, they also fortify the values that hold a nation together, and in a democracy, instill the importance of freedom and the protection of our rights,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here