ISRAEL – Tinalakay ni Pope Leo ang tragic na sitwasyon sa Gaza sa isang pulong nitong Huwebes, Setyembre 4 kay Israeli President Isaac Herzog at nanawagan ng permanenteng tigil-putukan sa Palestinian enclave, sinabi ng Vatican.
Nanawagan din ang Papa para sa pagpapalaya sa mga natitirang hostage na hawak ng Palestinian militant group na Hamas, sinabi ng pahayag at inulit ang suporta ng Vatican para sa dalawang -estado na solusyonan ang ilang dekada nang salungatan ng Israel-Palestinian.
Nauna nang pinasalamatan ni Herzog ang Santo Papa para sa pagpupulong at sinabing nakatanggap ito ng malugod na pagtanggap sa Vatican.
Pinapalakas ni Pope Leo ang kanyang mga panawagan para sa pagtigil sa digmaan sa Gaza.
Una na ring inanunsyo nina Leo at Herzeg na magkikita sila ngunit hindi sinabi sa publiko kung kaninong ideya ang pagpupulong.
Ang Israeli presidenct ay naglabas ng kalatas noong Martes na nagsasabing makikipagkita si Herzeg kay Pope Leo sa imbitasyon na rin ng Papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden