Home NATIONWIDE PNP hinimok ng grupo, CHR payagan sa pag-access ng rekord sa mga...

PNP hinimok ng grupo, CHR payagan sa pag-access ng rekord sa mga kaso ng ‘nanlaban’

347
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bigyang-daan ang Commission on Human Rights (CHR) na makakuha ng access sa police records kaugnay ng libu-libong biktima ng extrajudicial killings sa giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Ito’y matapos mahatulan ng korte si Police Col. Dante Lubos dahil sa pagpatay kay Ryan Dave Almora sa loob ng bahay nito sa Baguio City noong 2016, isa sa kakaunting convictions mula sa mahigit 6,200 drug war deaths na itinatala ng PNP.

“Domestic accountability of those responsible for extrajudicial killings in the war on drugs is still too few, far too slow, and far in between,” pahayag ng PCICC, na iginiit ding wala pang hatol na tumatalakay sa mga insidente ng pamamaslang sa Visayas at Mindanao.

Kinondena ng grupo ang paggamit ng pulisya sa isang 2016 executive order bilang dahilan upang hindi makipagtulungan sa CHR. Nanawagan silang maglabas si Marcos at PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ng direktiba na magbibigay ng full access sa mga records.

Ayon kay Atty. Ray Paolo Santiago, co-chairperson ng PCICC, ang desisyon ni Judge Rufus Malecdan ng Baguio City RTC ay patunay na hindi maaaring gamiting depensa ang “nanlaban” narrative bilang batayan ng presumption of regularity sa mga police operations.

Binigyang-diin ng grupo na ang forensic evidence ang nakapagpabagsak sa bersyon ng pulisya sa kaso ni Almora at dapat gamitin ito sa iba pang kaso.

Pinuna rin ng PCICC ang ilang opisyal ng gobyerno na patuloy umanong nagpapakalat ng maling naratibo upang bigyang-katwiran ang mga pagpatay.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo ng tuloy-tuloy na aksyon mula sa International Criminal Court (ICC), kabilang ang pagkumpirma ng mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at paglalabas ng arrest warrants.

Umaasa rin ang PCICC na makikipag-cooperate nang buo ang Marcos administration sa ICC probe. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here