Home NATIONWIDE Pasahero ng barko arestado sa illegal na droga

Pasahero ng barko arestado sa illegal na droga

205
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pasahero dahil sa pag-iingat ng illegal na droga sa Batangas.

Ayon sa PCG, nagsagawa ng routine inspection ang Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) bilang bahagi ng standard security protocol sa pantalan nang madiskubre ang hinihinalang bagay na dala ng pasahero gaya ng nalukot na aluminum foil at glass pipe na nasilid sa kanyang bag.

Inatasan ang Coast Guard K9 Field Operating Unit-Southern Tagalog na iberipika ang narekober na materyal.

Sumailalim din sa drug test ang pasahero at laboratory examination sa nakumpiskang ebidensya kung saan nakumpirmang positibo sa Methamphetamine Hydrochloride o shabu.

Kinasuhan ang pasahero ng paglabag sa pagdadala at paggamit ng ilegal na droga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here