Home NATIONWIDE Mag-asawang patungong Thailand, naharang sa posibleng kaso ng human trafficking

Mag-asawang patungong Thailand, naharang sa posibleng kaso ng human trafficking

285
0

MANILA, Philippines – Naharang ang mag-asawa sa Iloilo International Airport noong Setyembre 1 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na natunugan sa posibleng kaso ng human trafficking.

Ayon sa BI, ang 29-anyos na babae at ang 26-anyos nitong asawa ay nagsabing babiyahe patungong Thailand bilang turista sakay ng flight ng Cebu Pacific.

Matapos tanungin ng mga awtoridad ang mag-asawa patungkol sa kanilang return ticket, inamin ng mga ito na nagbayad sila ng P37,000 para sa travel at recruitment fees sa isang online recruiter na nangako sa kanila ng trabaho sa hindi tinukoy na kompanya.

Sinabihan umano ang mga ito ng recruiter na ang detalye ng trabaho ay ibibigay pagdating nila sa destinasyon.

Nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga biktima para sa mas malalim pang imbestigasyon.

Maaari ring maghain ang mga ito ng reklamo laban sa kanilang mga recruiter.

Ibinahagi ni BI Commissioner Anthony Viado na ang mag-asawa “saw this opportunity as a way to support and raise their children well,” at ipinapakita sa insidente kung paano ang mga trafficker ay nang-aakit sa mga tao “by capitalizing on their aspirations.”

Ani Viado, ang mga trafficker ay posibleng nagrerecruit ng mga Filipino para sa scam hubs sa Thailand kung saan pinagtatrabaho ang mga ito sa ilalim ng phishing and crypto scam syndicate. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here