Home METRO Lalaking pitong taon nagtago sa kasong rape arestado sa Malabon

Lalaking pitong taon nagtago sa kasong rape arestado sa Malabon

303
0

MANILA, Philippines – Arestado na ng pulisya ang isang e-trike driver na wanted sa kaso ng statutory rape makalipas ang halos pitong taon pagtatago sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Malabon Police Acting Chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado na si alyas “Cardo”, 57, ng Jacinto St., Brgy., Concepcion.

Ayon kay Col. Umipig, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya sa kanilang lugar ng akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) sa Malabon Cty Police.

Kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon CPS saka ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang tinutuluyang bahay dakong ala-1:00 ng hapon.

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trail Court (RTC) Branch 73 (FC-4) noong November 22, 2018 para sa kasong Statutory Rape.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here