Home NATIONWIDE PCO nanawagan ng mas maraming pondo sa pagpapaayos sa mga sirang pasilidad...

PCO nanawagan ng mas maraming pondo sa pagpapaayos sa mga sirang pasilidad ng PTV

255
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez nitong weekend para sa mas maraming pondo sa rehabilitasyon ng mga pasilidad ng state-run People’s Television Network (PTV), katulad ng sirang air conditioning units at leaking ceilings.

Sa video na ibinahagi ng PCO, sinabi ni Gomez na batid nila ang mga alalahanin ng beteranong mamamahayag na si Mike Abe.

“Very early on, ‘yung unang unang bisita ko pa lang sa PTV4, nakita ko na nga ‘yung mga sinasabi niyang tumutulong mga bubongan, sirang aircon, totoo ‘yun,” aniya.

“Kaya noong nag-testify ako sa Congress to present and defend our budget mga three weeks ago pa, naimumungkahi na natin sa Kongreso na kailangan talaga ng pondo ng PTV4 para ma-rehabilitate ‘yung PTV4,” dagdag pa nito.

Ayon kay Gomez, tumawag na siya kay general manager Malou Choa-Fagar at chair Vivian Recio para lumikha ng proposal ng mga pasilidad na kailangang ayusin.

“Nasa akin na ‘yung proposal nila kung magkano kailangan, ano ‘yung dapat gawin sa PTV4. Alam natin ‘yun at tinitignan na natin ‘yung ano ‘yung problemang ‘yun. Ayusin natin ‘yun. Ayusin natin ‘yun.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here