MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang lane ng Marilao Interchange Bridge sa North Luzon Exchange ngayong araw, Setyembre 8 hanggang bukas, Setyembre 9.
Ayon sa NLEX Corporation, ang mga sumusunod na lane ay pansamantalang isasara para magbigay-daan sa signage installation works:
Northbound Lane 1 (leftmost lane)
September 8, 10 p.m. hanggang 11:59 p.m.
Northbound Lane 3 (middle lane)
September 9, 12 a.m. hanggang 1:30 a.m.
Southbound Lane 1 (leftmost lane)
September 9, 2 a.m. hanggang 3 a.m.
Southbound Lane 3 (middle lane)
September 9, 3 a.m. hanggang 4 a.m.
Inaabisuhan ng NLEX Corporation ang mga motorista na maghanap ng ibang alternatibong ruta sa panahon ng installation.
Nauna na ring inanunsyo ang pagsasara ng lane sa Sto. Tomas, Pampanga dahil sa konstruksyon ng New Tulaoc Overpass Project ng Department of Public Works and Highways.
Ang leftmost lanes ng Sto. Tomas northbound, matapos ang Pau River Bridge; at southbound, matapos ang San Matias River Bridge ay sarado sa mga sumusunod na schedule:
September 8, 8 p.m. hanggang September 9, 3 p.m.
September 9, 10 p.m. hanggang September 10, 4 p.m.
September 10, 10 p.m. hanggang September 11, 4 p.m.
September 11, 10 p.m. hanggang September 12, 4 p.m. RNT/JGC