Home NATIONWIDE Oil price hike bukas, kasado na!

Oil price hike bukas, kasado na!

146
0

MANILA, Philippines – MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.00 sa kada litro ng gasolina, P1.40 sa kada litro ng diesel, at P0.70 naman sa kada litro ng kerosina na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng oil price hike na P0.70 sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P1.00 naman sa kada litro ng diesel. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here