Home ENTERTAINMENT Lloydie, pasabog ang screen comeback, gaganap na Rizal!

Lloydie, pasabog ang screen comeback, gaganap na Rizal!

298
0

Manila, Philippines – Isa sa mga araw na ito’y nakatakdang ianunsyo ni Coco Martin ang isang napakagandang proyekto.

Not only is the project exciting, it is also long overdue.

To be produced by Coco himself, ito ang major screen comeback ni–brace yourselves–John Lloyd Cruz!

Yes, you heard it right. Sa dinami-dami ng mga film projects pitched to him, ito lang ang inoohan ng aktor na matagal-tagal na ring wala sa sirkulasyon.

Hindi basta-basta pelikula lang ang pagbibidahan ni John Lloyd dahil balitang gaganap siya bilang Jose Rizal.

A historical film of epic proportion, si Erik Matti ang napipisil magdirek nito.

This early nga, the film is touted to end all historical films!

If ever, after Cesar Montano in Marilou Diaz-Abaya’s Rizal ay si JLC na ang sumunod na magbibigay-buhay sa ating pambansang bayani.

Samantala, matagal nang kumalas–at pinakawalan din naman–si Lloydie sa Crown Artist Management ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Kuwento ni Maja, marami siyang in-offer kay John Lloyd but he turned them all down.

Ayon sa aktor, mas pinili daw niyang mag-focus sa kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias.

Paglilinaw ni Maja, maayos silang naghiwalay ni Coco as in may respeto’t walang samaan ng loob. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here