Ito ang gustong maging ni Awra Briguela, pero hindi pa raw ngayon.
Sa isang recent podcast, isang malutong na “Yes!” ang sagot ni Awra nang tanungin kung bet niyang sumailalim sa gender reassignment surgery.
Binalikan ni Awra ang naging transition niya mula sa pagiging bading hanggang maging transgender woman.
“Dati kasi, ang gusto ko lang, eh, ‘yung bakla lang ako na nakakatawa o bakla na nagkakagusto sa kapwa lalaki.
“Pero nag-iba na ‘yon nang maging transwoman na ako,” saad niya.
Gusto na raw niya na ang tingin sa kanya’y babae na.
Hindi naman nilinaw ni Awra kung sasailalim ba siya sa top surgery o vaginaplasty.
Pero dahil bata pa, hindi pa raw agad-agad ang pagpapa-sex change niya.
Isa pa’y nahihirapan daw siyang magdesisyon as regarda her muscles.
“Hindi ko alam kung ipatatanggal ko ‘yon o ipatutunaw kasi I love having muscles!” dagdag pa ni Awra who spent years para raw ma-achieve ang kanyang toned muscles. Ronnie Carrasco III