Home METRO Army reservist na naglilinis ng baril, naputukan sa mukha

Army reservist na naglilinis ng baril, naputukan sa mukha

311
0

MANILA, Philippines – Isang 29-anyos na Army reservist ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan matapos aksidenteng maputukan sa mukha habang nililinis ang kanyang baril sa loob ng kanyang kuwarto sa Dasmariñas City, Cavite.

Kasalukuyang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas si Joseph Gatmaitan y Mauricio, residente ng Barangay Sampaloc 4, dahil sa tinamong sugat sa mukha.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi kamakalawa, sa salaysay ng kasintahan ni Gatmaitan na si Christine, 22, nililinis umano nito ang baril sa loob ng kuwarto nang biglang nakarinig siya ng putok.

Agad niyang pinuntahan ang kuwarto at nadatnan ang kanyang nobyo na duguan ang mukha, dahilan upang humingi siya ng tulong sa barangay at agad itong isinugod sa ospital.

Narekober naman ng mga rumespondeng barangay officials ang baril na ginamit ng biktima — isang kalibreng 9mm na may serial number na RIA2018239 at may limang bala sa magasin.

Inaalam pa ng pulisya kung kanino nakapangalan at kung may kaukulang papeles ang nasabing baril, na posibleng mauwi sa kasong paglabag sa RA 10591. (Margie Bautista)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here