Home HOME BANNER STORY Discayas ‘di kuwalipikado bilang state witness – solon

Discayas ‘di kuwalipikado bilang state witness – solon

218
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni House Infrastructure Committee chair Terry Ridon na hindi kwalipikado sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya na maging state witness sa kontrobersya ng flood control projects.

“Sa tingin ko, hindi… hindi sila qualified na maging state witness kasi hindi naman matutuloy ang mga payoffs kung hindi sila kasali,” aniya, at iginiit na parehong contractor, DPWH, at mga politikong sangkot ang “principally accused” sa kaso.

Dagdag pa niya, hindi tugma ang depensa ng mag-asawa na napilitan lamang silang magbigay ng kickback, dahil mahigit 15 taon na silang kontratista sa iba’t ibang administrasyon.

“Clearly, nagsisinungaling po, or selective ang Discaya affidavit. Wasak na wasak iyon,” sabi ni Ridon.

Nauna na ring nagbabala si Pasig Mayor Vico Sotto na ang layon ng mga Discaya ay maging state witness para makaiwas sa pananagutan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here