Home TOP STORIES Cong. Ang, kinaladkad ng DPWH district engineer sa ‘donasyon’ sa mga kontratista

Cong. Ang, kinaladkad ng DPWH district engineer sa ‘donasyon’ sa mga kontratista

182
0

MANILA, Philippines – Lumutang sa isang counter-affidavit na inihain ni Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Abelardo Calalo ang mabigat na alegasyon laban kay Uswag Ilonggo Party-list Rep. James “Jojo” A. Ang Jr.

Ayon kay Calalo, ang perang nakuha mula sa kanya noong siya ay maaresto ay hindi umano suhol para kay Rep. Leandro Leviste, kundi bahagi ng tinaguriang “donasyon” na ipinag-utos umano ni Ang mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Calalo na natalakay pa raw sa kanilang Viber group chat ang direktiba ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga contractor. Giit niya, matapos ang nasabing usapan ay binura umano ni Ang ang ilang mensahe sa kanilang komunikasyon, bagay na nagdulot ng pagdududa sa kanyang kampo.

Dagdag pa ni Calalo, ang pagbura ng mga mensahe ay indikasyon umano na may nais itago sa likod ng nasabing transaksyon. Aniya, nadawit lamang siya sa maling akusasyon at ginagamit bilang “scapegoat” sa isang mas malawak na sistema ng umano’y pangangalap ng pondo.

Kasabay nito, nananawagan si Calalo ng masusing imbestigasyon ng Senado sa umano’y “donation scheme” at humiling na isailalim sa forensic examination ang mga naburang Viber messages upang mailantad ang buong konteksto ng kanilang usapan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here