MANILA, Philippines – Mababa ang tsansa na maging isang tropical depression sa susunod na 24 na oras ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na namataan sa dagat sa silangan ng Luzon, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Vinzons, Camarines Norte bandang alas-8 ng umaga.
Matatandaan na naunang iniulat ng PAGASA na walang namomonitor na LPA, madaling araw ng Miyerkules, Setyembre 10. RNT/JGC