MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Luzon at Visayas ngayong Huwebes ang easterlies, ayon sa PAGASA.
Nalusaw na ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility at wala ring inaasahang bagyo.
Posibleng magkaroon ng malalakas na pag-ulan at pagbaha o pagguho ng lupa sa Bicol Region, Aurora, Quezon, at Marinduque dahil sa mga thunderstorm.
Sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, at Visayas, asahan ang paminsan-minsang pag-ulan o thunderstorm, habang sa Mindanao ay maaaring magkaroon ng localized thunderstorms.
Mananatiling banayad hanggang katamtaman ang hangin at kondisyon ng karagatan sa buong bansa. RNT