ISANG nakahihiya at isang nakatatakot sa mga Pinoy na pangyayari sa dalawang ibang bansa ang naganap lang kahapon.
Ang nakahihiya at sa buong mundo pa sumabog ang kahihiyang ito?
Heto. Hinarang ni South Korea President Lee Jae-Myung ang inuutang ng Pilipinas na $5 bilyong dolyar o nasa P28 bilyon sa takot na masama ito sa mga malaganap at malakihang nakawan o korapsyon sa pondo ng gobyerno natin at substandard o “poor quality” na paggawa ng mga proyekto.
Mabuti’t hindi sinabi na mago-ghost project lang!
Taong 2023 umano nang hilingin ng Department of Agriculture ang pautang sa ilalim ng Economic Development Cooperation Fund para sa imprastraktura sa ating mga kanayunan na makatutulong sa agrikultura ng Pinas.
Sa ECDF ng South Korea, dahil pampalakas sa kooperasyon at relasyon ng nasabing bansa at iba pa, gaya ng Pilipinas, maliit lang ang interes at bentahe sana natin.
Pero hinarang nga ito ng South Korea nabanggit nang mga kadahilanan. 300 tulay
Muntik umanong nadisgrasya ang nasabing utang kung natuloy ito sa korapsyon at substandard projects ang nasa P28B halaga.
Sa mga araw na ito, si Kwon Seon-dong, isang mambabatas at kalaban ni Lee, ang umano’y nagsulong at ngayo’y bumuhay sa pagpapautang.
Reaksyon naman ni Kwon, isa itong “political persecution.”
Sa ngayon, akusado si Kwon ng pagtanggap ng iligal na pampulitikang kontribusyon mula sa Unification Church at tinawag ito ng prosekusyon o piskal na “state affairs manipulation.”
Dahil sa akusasyon, maaaring pagbotohan sa kanilang parliamento ngayong araw o bukas kung aaresto siya ng mga awtoridad.
HAMAS BINOMBA NG ISRAEL SA QATAR
May binomba ang bansang Israel na gusali sa Doha, Qatar kahapon.
‘Yun bang === lugar na umano’y roon nagaganap ang pagpupulong ng matataas na lider ng Hamas na kalaban ng Israel.
May mga namatay ngunit mga miyembro lang ng Hamas at hindi ang mga lider.
Sa Qatar nakabase ang ilang pamunuan ng Hamas at nagsisilbi rin ang nasabing bansa sa mga nangunguna sa pagsusulong ng peace talks sa pagitan ng Israel at Hamas.
WALANG NASAKTANG PINOY
Marami ang overseas Filipino worker, nasa 260,000, at marami rito ang nagtatrabaho sa mga hotel, restoran, bahay, konstraksyon at pasilidad sa langis.
Marami sa mga ito ang nasa Doha mismo na kapital na lungsod ng Qatar.
Ang magandang balita, walang nadamay sa pambobomba, ayon sa Departments of Forein Affairs at Migrant Workers.
Karaniwang sumasahod ng P20,000 o katumbas ng $400 ang mga OFW sa nasabing Arabong bansa.
Pero pinag-iingat pa rin ng ating pamahalaan ang mga OFW lalo’t maaaring hindi lang kahapon maaaring maganap ang pambobomba.
Nagprotesta agad ang gobyernong Qatar sa pambobomba at sinabing labag ito sa internation law.
‘Yung bang === walang karapatan ang isang bansa na bombahin ang ibang bansa nang walang giyera sa pagitan nila.
Tama lang ang payong pag-iingat sa mga OFW dahil na rin sa polisya ng Israel na aatakehin nila ang alinmang bansa na roon may mga kaaway nila anomang araw at at nagaganap ito Lebanon, Syria, Yemen, Qatar at mismong Palestine na kuta ng mga Hamas.






