Home NATIONWIDE 4 arestado, 13 biktima ng illegal recruitment nasagip sa Palawan

4 arestado, 13 biktima ng illegal recruitment nasagip sa Palawan

287
0

MANILA, Philippines – Labintatlong biktima ng illegal recruitment ang nasagip at apat na suspek ang naaresto sa Rizal, Palawan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Natuklasan ng mga awtoridad na ang mga biktima, na pinangakuan ng trabaho bilang customer service representatives sa Cambodia, Myanmar, at Thailand na may sahod na $800 hanggang $1,000, ay dadalhin pala sa mga cryptocurrency scam hub.

Kabilang sa operasyon ang DMW, PAOCC, PNP Maritime Group, Women and Children Protection Center, at Palawan police.

Tiniyak ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa human trafficking.

Kakaharapin ng mga suspek ang kaso ng syndicated at large-scale illegal recruitment at trafficking in persons.

“Hindi kami titigil sa paglaban sa mga illegal recruiters at human trafficking syndicates na nanlilinlang sa ating mga kababayang nais lamang magtrabaho abroad para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya. Patuloy tayo sa ating mga operasyon upang masupil, maaresto, at maipasara ang kanilang mga maling gawain,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang pahayag. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here