MANILA, Philippines – Ipinahayag ng abogado ni contractor Sarah Discaya na hindi ikinagalit ng kaniyang kliyente ang paggaya sa kaniya ni Kapuso comedian Michael V. bilang “Ciala Dismaya” sa Bubble Gang.
Ayon kay Atty. Cornelio Samaniego III, alam ni Sarah ang tungkol sa skit at nauunawaan nitong bahagi iyon ng trabaho ng komedyante, na aniya’y idolo rin ng kanyang kliyente.
Idinagdag pa niya na may respeto sila kay Michael V.
Mapapanood ang sketch na “Ciala Dismaya” sa Bubble Gang sa Setyembre 14. RNT