Home NATIONWIDE Mag-asawang Discaya, kakasuhan ni Pasig Rep. Romulo

Mag-asawang Discaya, kakasuhan ni Pasig Rep. Romulo

376
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pasig Rep. Roman Romulo nitong Miyerkules na sasampahan niya ng kaso ang mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya matapos siyang idawit ng mga ito sa isyu ng korapsyon kaugnay ng mga flood control project.

Ayon kay Romulo, kakausapin niya ang kanyang mga abogado upang alamin ang kasong maaaring isampa laban sa mag-asawa.

Handang ilabas ni Romulo ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at i-waive ang kanyang bank secrecy rights upang patunayan ang kanyang integridad.

Nilinaw rin niyang nagrerekomenda siya ng mga proyektong makabubuti sa kanyang mga nasasakupan, ngunit wala siyang kinalaman sa proseso ng bidding o pagpili ng mga kontratista.

Tinawag niya ang mga akusasyon bilang pagtatangkang ilihis ang isyu at hinamon ang mag-asawa na maglabas ng matibay na ebidensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here