Home NATIONWIDE Kawani ng DPWH, hinaharas; pagsusuot ng uniporme sinuspinde ni Dizon

Kawani ng DPWH, hinaharas; pagsusuot ng uniporme sinuspinde ni Dizon

238
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni DPWH Sec. Vince Dizon ang pagpapatupad ng pansamantalang hindi pagsusuot ng uniporme ng mga kawani ng ahensya para sa kanilang seguridad.

Sinabi ni Dizon na ang hakbang na ito ay upang protektahan ang mga empleyado ng DPWH laban sa pambubully at harassment kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects.

Ayon kay Dizon, nakatanggap siya ng ulat mula sa mga namumuno ng unyon ng mga empleyado ng DPWH na ilan sa kanilang tauhan ay kinukutya at hinaharaan.

Partikular na apektado ang mga tauhan ng DPWH na sumasakay ng jeep, bus at LRT.

Muling umapela si Sec. Dizon sa publiko na huwag naman sanang idamay ang karamihan sa mga tauhan ng DPWH lalo na’t ginagawa nila nang tama ang kanilang trabaho. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here