Home NATIONWIDE Programa sa mental health, isusulong ng DOH

Programa sa mental health, isusulong ng DOH

300
0

MANILA, Philippines – Nais palakasin ng Department of Health (DOH) ang samahan kontra suicide o ang peer support groups bilang sandata sa problema ng mental health sa mga kabataan.

Dahil dito, inilunsad ng DOH ang Peer Support Groups Playbook sa 50 provincial at city-wide health systems.

Kabilang dito ang pagsasanay para sa mga peer facilitators at mga materyales na magbubukas ng ligtas na espasyo para sa mga kabataang nangangailangan ng kausap at suporta.

Dalawa sa bawat tatlong kabataang Pilipino ay bukas na humingi ng tulong, patunay na handa silang makipag-usap at makipagtulungan para sa kanilang kalusugan pangkaisipan.

Sa pamamagitan ng peer support groups, giniit ng DOH na mas inklusibo, pantay at handang makinig ang komunidad para mapangalagaan ang bawat buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here