NEPAL – Umabot na sa 31 ang bilang ng mga nasawi sa “Gen Z” protests sa Nepal, at ang mga bangkay ay dinala sa Tribhuvan University Teaching Hospital para sa post-mortem. Nabigyan na ng pansamantalang pagkakakilanlan ang 25 sa mga biktima.
Nagsimula ang mga protesta dahil sa pagbabawal ng pamahalaan sa 26 na social media platforms, na kalaunan ay inurong dahil sa lumalalang karahasan.
Nag-ugat ang galit ng kabataan sa korapsyon, kawalan ng trabaho, at katiwalian sa politika.
Nagbitiw na sa puwesto si Punong Ministro K.P. Sharma Oli, at sinuong na ng militar ang seguridad.
Kasalukuyang pinag-uusapan ang pagtatatag ng pansamantalang pamahalaan, kung saan pinangungunahan ang nominasyon kay dating Punong Mahistrado Sushila Karki. RNT