MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang Israeli at pitong Pilipino sa isang apartment sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y forex trading scam.
Nahuli silang gumagamit ng mga computer sa isang raid ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit.
Ayon kay BI-FSU chief Rendel Sy, dati nang na-expose ang grupo sa Cebu matapos ma-hack ang kanilang CCTV na nagpakita ng kanilang modus.
Una nilang ino-offeran ng forex trading lessons ang mga biktima, at kapag nahumaling na, pinapadalhan sila ng link o malware para makontrol ang kanilang bank accounts at hikayating muling mag-invest.
Nakikipag-ugnayan na ang Bureau sa PNP Anti-Cybercrime Group at sa mga awtoridad sa Canada at Australia matapos matukoy na may mga biktima rin doon.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention facility ng BI sa Bicutan. RNT