Home NATIONWIDE Casinos tatalupan ng AMLC sa ‘BGC Boys’ expose ni Lacson

Casinos tatalupan ng AMLC sa ‘BGC Boys’ expose ni Lacson

268
0

MANILA, Philippines – Mag-iimbestiga ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga casino matapos ibunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na ang tinaguriang “BGC Boys”—mga dating DPWH Bulacan engineers—ay diumano’y kumita ng bilyon-bilyong piso mula sa maanomalyang flood control projects at nilusot ito sa mga pasugalan.

Ayon kay Lacson, nilalaba ng grupo ang pera sa pamamagitan ng pagpapalit ng cash sa casino chips, saka kaunting taya lamang ang ginagawa bago i-cash out at ideklarang “panalo.”

Kumpirmado ni AMLC executive director Matthew David na ginagamit ang ganitong paraan sa money laundering, at inulit niyang obligadong i-report ng mga casino ang transaksyong umaabot sa ₱5 milyon pataas.

Dagdag ng AMLC, iimbestigahan din ang mga kamag-anak ng mga sangkot na opisyal at kontratista, at hihilingin sa Court of Appeals na maglabas ng freeze order laban sa kanilang mga ari-arian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here