Home NATIONWIDE Alamin: #WalangPasok sa Oct. 27

Alamin: #WalangPasok sa Oct. 27

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase o lilipat sa asynchronous learning ang ilang paaralan at lugar sa bansa sa Martes, Oktubre 27, 2026, dahil sa mga lokal na aktibidad, power interruption at iba pang dahilan.

Batay sa mga inilabas na abiso, kabilang sa may pagbabago sa klase ang sumusunod:

University of the East (UE) Manila at Caloocan – Lahat ng antas ay lilipat sa asynchronous modality sa Oktubre 27. Pinayuhan ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa kanilang instructors at tingnan ang opisyal na learning platforms para sa mga gawain.

Philippine Science High School-Main Campus – Suspendido ang klase sa Oktubre 26 at 27. Lilipat naman sa online learning setup sa Oktubre 28 at 29.

Cotabato City – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas mula Oktubre 26 hanggang 31. Asynchronous learning ang ipatutupad bilang paghahanda sa inaugural session ng 1st Bangsamoro Regular Parliament.

San Jose, Tarlac – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Oktubre 27.

Polomolok, South Cotabato – Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan dahil sa nakatakdang power interruption.

Samantala, asynchronous classes ang ipatutupad sa mga piling paaralan sa Lapu-Lapu City, Cebu mula Oktubre 26 hanggang 30 kaugnay ng pag-host ng lungsod sa 20th ASEAN Defence Ministers’ Meeting at 13th ADMM-Plus.

Saklaw nito ang mga pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa mga barangay ng Ibo, Buaya, Mactan at P. Engaño, kasama ang ilang pribadong paaralan at kolehiyo.

Kabilang sa mga kolehiyong sakop ang Lapu-Lapu City College, Lapu-Lapu Cebu International College at Sto. Niño Mactan College.

Pinapayuhan ang mga magulang at estudyante na patuloy na bantayan ang opisyal na abiso ng kani-kanilang paaralan at lokal na pamahalaan para sa posibleng dagdag na suspensyon o pagbabago sa klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here