Home ENTERTAINMENT Bitoy, aminadong ka-fez si Sarah!

Bitoy, aminadong ka-fez si Sarah!

365
0

Manila, Philippines – Maging si Michael V ay umaming kahawig nga niya si Sarah Discaya.

Si Sarah, along with her husband Curlee, ay iniimbistigahan ng Senate Blue Ribbon Committee kaunay ng mga maanomalyang transakyon nila sa DPWH as regards flood control projects.

By the millions na nga umabot ang views ng inilabas na teasers ng Bubble Gang.

Kada araw nga ay padagdag nang padagdag ito.

Kung bakit na-realize din ni Bitoy that he looks like Sarah ay dahil sa meme na ipinadala sa kanya.

Antimano, he told the Bubble Gang staff na gawin nila ang sketch ni Sarah.

At as of September 10, Wednesday–ilang araw bago umere ang pinakahihintay na episode–ay umabot na sa 11 million views ang isa sa tatlong teaser.

‘Yung nakatalikod pa nga lang siya ay umabot na sa 7 million views, making Bitoy proud of their show.

But there’s more to this success.

Tulad ng napakaraming Pilipino, umaasa si Michael V na mapanagot ang mga taong sangkot sa korapsyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here