Home ENTERTAINMENT Lovi, manganganak na, pinagpapraktisan ang aso!

Lovi, manganganak na, pinagpapraktisan ang aso!

258
0

Manila, Philippines – Anytime now ay nakatakda nang isilang ni Lovi Poe ang panganay nilang anak ni Monty Blencowe.

Baby girl ang ine-expect ng couple.

Bagama’t walang makapagsabi kung ilang buwan na ang tiyan ng actress-producer ay malaki na raw ito.

Hence, hindi na nga kasali si Lovi sa Bench fashion week sa third week ng September.

Bilang pagsasanay cum paghahanda sa pagiging ina, pinagpapraktisan ni Lovi ang kanyang fur baby.

Sa kanyang reels video, makikitang karga-karga niya ang kanyang pet dog na si Señorito.

Isinasayaw pa niya ito with her post: “Practice muna with pa-baby!”

Ikinatuwa naman ‘yon ng mga netizens who are just as excited for Señorito to see his “baby sister.”

By the way, si Senator Grace Poe ang may “kasalanan” sa likod ng gender reveal ng kanyang pamangkin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here