Home ENTERTAINMENT Marian, malabo nang maka-grand slam!

Marian, malabo nang maka-grand slam!

280
0

Manila, Philippines – Bad news para sa mga umaasang makaka-grand slam si Marian Rivera para sa pelikula niyang Balota.

Inisnab kasi ang aktres sa ika-48 Gawad Urian na gaganapin sa De La Salle University sa October 11.

Inisnab din ng nasabing award-giving body si Judy Ann Santos para sa pelikulang Espantaho.

Nakaiskor na ng Best Actress trophy si Marian sa Cinemalaya Festival.

Nasundan ito sa 8th Eddy’s ng SPEEd kamakallan lang.

Sinasabing isang award-giving body na lang ay tiyak na makaka-grand slam si Marian.

As for Judy Ann, siya ang tinanghal na Best Actress sa MMFF last year.

Tulad ng alam ng lahat, “unpredictable” talaga ang mga pumapasok sa listahan ng mga nominado sa Urian. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here