Manila, Philippines – Kung may dalawang taon nang hindi nagpaparamdam si Angel Locsin–dumaan man ang maraming bagyo–sumulpot kaya siya sa comedy bar na pag-aari ni Vice Ganda?
Sa mga curious, the Unkaboggable Star now owns Vice Comedy Club na matatagpuan sa Quezon City.
Sinasabing may dalawang pangunahing dahilan daw kung bakit naisipang magtayo ng comedy bar ang TV host-comedian.
Una, nais daw niyang magkaroon ng masasabing tahanan ang mga standup comedian.
Ikalawa, nais ni Vice Ganda na magkaroon ng venue kung saan maiso-showcase ng mga ito ang kanilang talento sa pagtatanghal.
Ang pag-awit at pagpapatawa ang gustong bigyan ng puwang ni Vice Ganda.
Ito’y hindi na dapat pagtakhan dahil mismong si Vice Ganda ay produkto ng standup comedy bar bago pumasok sa showbiz.
Pero hindi ito ang catch.
Balita kasing ang business partner o kasosyo ng Unkaboggable Star sa naturang bar na itinayo niya ay si Neil Arce.
Noon pa man ay sa bar na nalilinya si Neil, isa sa mga negosyo niya.
Bigla tuloy nabuhayan ng loob ang mga fans ni Angel Locsin nang malamang ang mister ang aktres is Vice Ganda’s business associate.
Ibig daw sabihin, hindi imposibleng bilang suporta kay Neil–at kay Vice Ganda na rin–ay bigla na lang susulpot doon si Angel.
After all, naging co-judges sina Angel at Vice Ganda sa Pilipinas Got Talent bago pinagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.
Makaray kaya ni Neil si Angel kahit isang weekend lang? Ronnie Carrasco III