MANILA, Philippines – Walang banta ng tsunami sa magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Kamchatka, Russia, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa abiso, sinabi ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng lindol na tumama 10:38 ng umaga nitong Sabado, Setyembre 13, sa silangan ng Kamchatka peninsula.
May lalim itong 10 kilometro.
“Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 300 km of the earthquake epicenter,” ayon sa PHIVOLCS.
“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” dagdag pa.
Sa report, unang iniulat ang magnitude 7.1 na lindol ng German Research Centre for Geosciences (GFZ) ngunit itinaas ito ng United States Geological Survey sa magnitude-7.4.
Sinabi naman ng Pacific Tsunami Warning System na posible ang tsunami mula sa naturang lindol sa ilang bahagi ng mundo. RNT/JGC