Home HOME BANNER STORY Planong pagtatayo ng nature reserve ng China sa Scarborough Shoal, iprinotesta ng...

Planong pagtatayo ng nature reserve ng China sa Scarborough Shoal, iprinotesta ng Pilipinas

368
0

MANILA, Philippines – Pormal nang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Setyembre 13 laban sa China sa plano nitong pagtatayo ng nature reserve sa Scarborough Shoal, na itinuturing na bahagi ng katubigan ng Pilipinas ngunit inaangkin ng China.

Hindi naman sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Angelica Escalona kung ipinatawag ang Chinese ambassador.

“The Department filed a protest yesterday, which is a strong, unequivocal and formal articulation of Philippine objections to the Chinese action,” saad sa pahayag ni Escalona.

Kamakailan ay inaprubahan ng China ang paglikha ng national nature reserve sa Scarborough Shoal.

Mahigpit na tinutulan ng Estados Unidos, ka-alyado ng Pilipinas, ang planong ito ng China at tinawag na “another coercive attempt to advance sweeping territorial and maritime claims in the South China Sea.”

Ang aksyong ito, ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, “undermine regional stability” at nanawagan sa China na tigilan na ang pagpipigil sa mga mangingisdang Pinoy na pumasok sa lugar na idineklarang traditional fishing grounds.

Sa pulong balitaan sa Beijing noong Huwebes, sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na ang pagtatayo ng natural reserve ay pasok sa sovereign rights ng China.

“China does not accept the Philippines’ groundless accusations and so-called protests,” ayon sa tagapagsalita. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here