Home HOME BANNER STORY Mga raliyista nagmartsa mula EDSA Shrine patungong People Power Monument vs korapsyon

Mga raliyista nagmartsa mula EDSA Shrine patungong People Power Monument vs korapsyon

377
0

MANILA, Philippines – Nagmartsa ang mga raliyista mula EDSA patungong People Power Monumento upang ipanawagan ang paglaban sa korapsyon at maanomalyang flood control projects nitong Sabado, Setyembre 13.

Ayon sa ulat, nagmartsa ang mga raliyista mula EDSA Shine sa panulukan ng Ortigas Avenue, at dumating sa People Power Monument sa White Plains Avenue umaga ng Sabado.

Sa monumento idinaos ng mga nagprotesta ang kanilang mga programa.

Nilahukan ito ng mga miyembro ng mga grupong Bayan NCR, Anakbayan, Kabataan, Panday Sining at iba pa.

Ipinanawagan sa kilos-protesta na wakasan na ang paghihirap ng bansa at panagutin ang mga sangkot sa sistematikong korapsyon.

Dahil sa dami ng mga nagprotesta, idineploy ang malaking bilang ng pulisya upang magbigay seguridad sa paligid ng People Power Monument.

Isinara rin ang isang lane ng White Plains Avenue kasabay ng kilos-protesta.

Samantala, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na mapayapa namang tinapos ng mga grupo ang kanilang kilos-protesta. Umabot sa 300 katao ang bilang ng mga dumalo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here