Home NATIONWIDE LPA namataan malapit sa Northern Samar

LPA namataan malapit sa Northern Samar

271
0

MANILA, Philippines – Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility na maaaring magdulot ng maulang panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa huling ulat, namataan ang LPA sa coastal waters ng Mapanas, Northern Samar.

Magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Visayas, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga, at Zamboanga del Norte.

Ang trough ng LPA naman ay magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulao na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here