Home NATIONWIDE Sa isinasagawa, nakatakda pang malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon; “freedom of expression”...

Sa isinasagawa, nakatakda pang malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon; “freedom of expression” iginagalang ni PBBM – Malakanyang

348
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na palaging igagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang freedom of expression.

Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isinasagawang kilos-protesta sa EDSA ng mga progresibong grupo kabilang ang Kabataan Partylist, Panday Sining, Kalayaan Kontra Korapsyon (KKK), at Akbayan, ngayong araw ng Sabado, Setyembre 13, kasabay ng kaarawan ngayon ni Pangulong Marcos.

“So, kung ano man po ang nararamdaman na sentimyento ng ating mga kababayan sa ngayon…iyan po ay ginagalang ng Pangulo,” ayon pa rin kay Castro.

Ang dasal lamang aniya nila ay huwag sakyan ng ibang mga tao na may hindi magandang naisin para sa gobyerno, kundi mag-stabilize ang nasabing pagsisimyento.

“So, iyan naman po ay sinusuportahan ng Pangulo ang mga hinaing ng taumbayan dahil ito naman ay laban sa korapsyon,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Nauna rito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) acting chief Jose Melencio Nartatez Jr., na nakahanda na raw ang kapulisan kung sakaling pumutok ang marahas na kilos-protesta sa Pilipinas, kagaya ng nangyari sa Indonesia at Nepal.

Sa ambush interview ng media kay Nartatez nitong Huwebes, Setyembre 11, 2025, iginiit niyang may security plans na raw ang PNP kung sakaling sumiklab ang nasabing senaryo.

“We have readied our security plans for dispersal, crowd management, and security. Mayroon na tayong security plans that have been set,” saad ni Nartatez.

Dagdag pa niya, “We also have our information na puwede nating pagtuunan or itong information na ito, this is the basis for for any operation.”

Samantala, sa hiwalay na pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), siniguro nitong nakahanda raw nilang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa, bagama’t hindi raw nila kukunsintihin ang ang sinomang lalabag sa batas.

“The NCRPO assures the public that we are fully prepared to maintain peace, order, and security amid that ongoing and upcoming protest actions across Metro Manila,” saad ng NCRPO.

Anila, “While we exercise maximum tolerance, we will not allow any violation of the law.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here