Home NATIONWIDE Eligible solo parents makatatanggap ng P1K buwanang ayuda sa Muntinlupa

Eligible solo parents makatatanggap ng P1K buwanang ayuda sa Muntinlupa

303
0

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng P1,000 buwanang cash assistance ang mga kwalipikadong single parents sa Muntinlupa City upang makatulong sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa lokal na pamahalaan.

“Alinsunod sa direktiba ni Mayor Ruffy Biazon na palakasin ang suporta sa ating indigent Solo Parents, makakatanggap na ang mga qualified beneficiaries ng P1,000 monthly cash assistance sa bisa ng City Ordinance No. 2025-311 o ang Muntinlupa City Solo Parents Cash Subsidy,” ayon sa inilabas na pahayag ng city government sa Facebook nitong Biyernes.

Sakop ng programa ang mga solo parents na minimum wage earner o mas mababa ang kita, self-employed o walang regular na trabaho na ang kita ay minimum wage o mas mababa, at hindi benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Hindi na kabilang ang solo parents kung lahat ng kanilang anak ay higit 22 taong gulang.

Hinimok ng LGU ang mga kuwalipikadong benepisyaryo na isumite ang kumpletong requirements sa Social Services Department sa Muntinlupa City Hall at ipakita ang kanilang valid Solo Parent ID.

Sa loob ng 15 working days matapos ang kumpletong pagsusumite, magsasagawa ng home visit ang validator upang tiyakin ang eligibility ng aplikante. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here