Home NATIONWIDE Publiko kaisa ni PBBM sa anti-corruption sentiments

Publiko kaisa ni PBBM sa anti-corruption sentiments

257
0

MANILA, Philippines – Kasabay ng kabi-kabilang rally sa malawakan umanong korapsyon sa pamahalaan, sinabi ng Malakanyang na nirerespeto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinusuportahan nito ang sentimyento ng publiko laban sa korapsyon.

“First of all, the President will always respect this freedom of expression. So kung ano man po ang nararamdaman na sentimyento ng mamamayan ngayon, ‘yan po ay ginagalang ng Pangulo,” pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro.

“‘Yan po ay sinusuportahan din po ng pangulo, ang mga hinaing ng ating taong bayan dahil ito naman po ay laban sa korapsyon,” giit pa niya.

Kasabay nito ay pinangalanan ni Castro ang tatlong miyembro ng bagong likhang independent commission na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects.

Idinagdag din niya na bagamat batid ng Malakanyang ang mga kritisismo sa korapsyon umaasa ito na hindi magagamit ang damdaming ito ng mga grupong nais pabagsakin ang pamahalaan.

“Ang dasal lang po natin, itong kanilang pagse-sentimyento ay ‘di sakyan ng mga tao na hindi maganda naisin para sa gobyerno kundi mag-debstabilize,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here