Home METRO Bulkang Kanlaon nakataas sa alert level 2

Bulkang Kanlaon nakataas sa alert level 2

295
0

MANILA, Philippines – Nakataas sa alert level 2 ang bulkang Kanlaon matapos maitala ang apat (4) na volcanic earthquake sa paligid ng bulkan sa nakalipas na magdamag iniulat nitong Linggo, Setyembre 14 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 600 meters.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng ng tao sa 4-kilometer radius dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng ano mang uri ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here