Home METRO Swiss national timbog sa ‘higit P40-M tobats sa NAIA T3

Swiss national timbog sa ‘higit P40-M tobats sa NAIA T3

258
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) sa ikinasang interdiction operation ang isang babaeng pasahero na Swiss national na nagtangkang magpuslit ng mahigit anim na kilo ng hinihinalang shabu sa arrival area ng NAIA Terminal 3 Sabado ng hapon, Setyembre 14.

Kinilala ng IADITG ang nadakip na banyagang suspek na si Eva, 72, negosyante, ng Richard-Wagner Strasse 6, Heildelberg Handschuhsheim Germany DE 69121.

Base sa report ng IADITG, naganap ang pagdakip sa suspek bandang alas 3:20 ng hapon sa Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa IADITG, pasahero ang suspek ng dumating na eroplano sa NAIA Terminal 3 lulan ng Etihad Airways Flight EY 748 mula Johannesburg, South Africa na may connecting flight patungo ng Abu Dhabu via Etihad Airways Flight EY 440.

Sa pag inspeksyon sa kulay gray na bagahe ng suspek na nakabalot ng kulay asul na plastic ay nadiskubre ang apat na transparent plastic bag na nakabalot ng packaging tape at itim na carbon paper na naglalaman ng anim na kilo o 6,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000.

Bukod sa nakumpiskang ilegal na droga ay nasamsam din ang isang bundle ng damit; dalawang itim na lady hand bags; isang pares ng tsinelas; pasaporte ng suspek; at isang brown lady hand bag na naglalaman ng dalawang pitaka, cellular phone, 2 Zurcher Kantonal Bank cards, sim card, Switzerland Social Security ID; itim na powerbank; 2,029,000 Laos Currency Bills at 15FR Swiss coins.

Ang mga narekober na ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para sumailalim sa laboratory examination.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 Art. II of RA 9165 ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng IADITG. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here