GENEVA – Muling sumirit noong 2024 ang mga kaso at pagkamatay dahil sa cholera, na tumaas ng 50 porsyento kumpara sa nakaraang taon, ayon sa World Health Organization (WHO). Nadagdagan ng 5 porsyento ang kaso, habang higit 6,000 katao ang namatay sa sakit na maaaring maiwasan at magamot.
“Patuloy na pinapalala ng tunggalian, pagbabago ng klima, paglikas ng populasyon, at matagal nang kakulangan sa tubig, sanitasyon, at imprastraktura ng kalinisan ang pagtaas ng cholera,” ayon sa WHO.
Umabot sa 60 bansa ang may naitalang kaso noong 2024, mas mataas kaysa 45 bansa noong 2023. Nasa Africa, Middle East, at Asia ang 98 porsyento ng lahat ng impeksiyon.
Nanawagan ang WHO para sa mas malawak na access sa malinis na tubig, tamang impormasyon, agarang gamutan, mas maayos na surveillance, at mas malaking pondo sa produksyon ng bakuna. RNT