Home NATIONWIDE 10 pulis-Maynila, sibak sa extortion

10 pulis-Maynila, sibak sa extortion

213
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na umabot na sa sampung pulis ang sinibak mula sa pitong naunang nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) dahil sa reklamo ng extortion.

Ayon kay MPD Spokesperson Major Philip Ines, kasalukuyang nasa holding account ang mga pulis habang patuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak ng MPD na seryoso nilang iniimbestigahan ang mga alegasyon at walang sasantuhin upang mapanatili ang integridad ng kanilang hanay.

Nabatid na ang reklamo ay nagmula sa isang delivery rider na si “Chester,” na nagsabing siya at ang kanyang kasama ay ilegal na dinakip, kinapkapan, kinulong, at pinagkunu­nan ng P9,000. Kinumpiska rin umano ang kanilang motorsiklo. —Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here