MANILA, Philippines – May inisyal nang impormasyong isinumite ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y ghost projects sa Bulacan, ayon sa kumpirmasyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ng kalihim na tatlong proyekto sa unang distrito ng Bulacan ang natukoy ng NBI sa pamamagitan ng lokasyon ng mga hinahanap na flood control projects.
Sa kabila nito, hindi pa masabi ni Remulla kung kailan maisasampa ang kaso laban sa mga matutukoy na sangkot sa maanomalyang proyekto.
Aniya, kinukumpleto pa ng NBI ang kanilang pag-iimbestiga, kabilang na ang pagtukoy kung sinu-sino ang mga sangkot at ano ang kanilang magiging pananagutan. —Jocelyn Tabangcura-Domenden