MANILA, Philippines – Umabot sa ₱218 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa kanilang magkahiwalay na operasyon noong nakaraang linggo.
Ayon sa PDEA, ₱189.73 milyon halaga ng droga ang nakuha at 98 suspek ang naaresto sa 52 operasyon mula Setyembre 5 hanggang 12.
“We’re not just arresting pushers, we’re dismantling the entire drug network,” pahayag ni PDEA chief Isagani Nerez.
Samantala, nakasamsam naman ang PNP ng ₱28.9 milyon halaga ng droga sa 876 operasyon mula Setyembre 5 hanggang 11. Aabot sa 989 suspek ang naaresto, kabilang ang 4,078 gramo ng shabu at higit 10,000 tanim na marijuana.
Nadakip din ng PNP ang 1,050 most wanted persons at 36 suspek sa smuggling, kung saan ₱44.3 milyon halaga ng kontrabando ang nakumpiska. Santi Celario