Home NATIONWIDE Nat’l ID holders libreng sakay sa LRT-2, MRT

Nat’l ID holders libreng sakay sa LRT-2, MRT

266
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng selebrasyon ng International Identity Day, ang mga National ID holders ay pagkakalooban ng libreng sakay sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit 3 (MRT-3) lines ngayong Martes, Sept. 16, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong Lunes.

Maaaring sumakay ang mga pasahero mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ipakita lamang ang anumang National ID—maaaring card, paper form, o digital.

Sinabi rin ng PSA na ang pagpaparehistro at pag-iisyu ng mga National ID sa papel at tulong sa pag-access sa Digital National ID ay magagamit ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT-3 Cubao at Taft.

Pinayuhan din ng PSA ang publiko na ang lahat ng format ng National ID ay valid at tinatanggap na patunay ng pagkakakilanlan para sa mga transaksyon sa anumang gobyerno o pribadong institusyon.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here