Home NATIONWIDE Pagpapatupad ng NAIA fees hike, pinasususpinde ng mga obispo

Pagpapatupad ng NAIA fees hike, pinasususpinde ng mga obispo

185
0

MANILA, Philippines – Umapela ang ilang Obispo sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong concessionaire, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), na agad suspindihin ang pagpapatupad ng across-the-board hike sa mga bayarin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) epektibo noong Sept. 14.

Sa halip, nanawagan sila para sa isang “tunay at inklusibong konsultasyon” sa lahat ng stakeholder sa industriya ng aviation.

Ginawa ang apela sa isang Concelebrated Mass “for Guidance, Truth, and Accountability for aviation industry officials” sa Pasay City, na pinangunahan nina Bishops Ben Labor, Aldrin Lleva, at Agustino Tangca.

Sa kanilang homiliya at magkasanib na pahayag, binigyang-diin ng mga Obispo na ang kapakanan ng publiko ang dapat unahin kaysa tubo ng pribadong kumpanya.

Umapela rin sila sa Korte Suprema na pansamantalang i-freeze ang lahat ng bayarin na itinaas sa NAIA upang malinaw munang maipaliwanag ng mga kinauukulang partido ang mga basehan sa naturang pagtaas sa travel tax, parking fees, stall at office rentals, paggamit ng airline ng parking at runway, ticket charges, bukod sa iba pa—para sa transparency at kaakibat na pananagutan.

Nauna nang hiniling ng mga manggagawa sa paliparan, civic organizations, at non-government groups sa Korte Suprema na ideklarang labag sa Konstitusyon ang NAIA PPP project dahil sa pagtaas ng airport-related fees. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here