MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema (SC) nitong Martes na 11,425 examinees ang nakatapos ng 2025 Bar Exams — ang pinakamalaking bilang sa kasaysayan. Ito ay mula sa kabuuang 13,193 na aplikante.
Ayon kay Associate Justice at Bar chairperson Amy Lazaro-Javier, naging maayos at walang insidente ang tatlong araw na pagsusulit.
Hinikayat niya ang mga bagong abogado na maging katuwang ng hudikatura sa inobasyon, kahusayan, at akses sa hustisya, sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.
Naitala rin ngayong taon ang pinakamataas na first-day turnout na umabot sa 11,437.
Ipinasa na rin ni Lazaro-Javier ang pamumuno sa susunod na Bar Exams kay Associate Justice Samuel Gaerlan. RNT